Dula sa Likod ng Lente ng Buhay
I Walang anu-ano’y nagising sa mahimbing na tulog Malambing na awit sa tainga’y umalungog Hindi namalayang luha’y naglakbay sa kanang pisngi Ngunit kasabay nito’y pagkahulog ng isipan sa dilidili. II Nananalaytay sa aking linagnag ang simpleng pagkatao Walang nakababatid sa akin sa likod ng mga rolyo Napakaswerte ko raw, iyan ang akala nila Hindi nila talos, pagkatao ko’y pinanday na ng tadhana. III Namulat sa mundong ito na may piring ang mata Kahirapa’y hindi nakikita ngunit damang dama Ni hindi makausal ngdalangin dahil sa busal sa bibig Mgakahilinga’y naipon sa sintido, ngunit nagkaroon din ng himig. IV Dinusta ng madla ang aking kakayahan sa kabila ng pagpupursige Dahilan nila’y aking kapansanan, dapat daw akong mag-atubili Dapat pa ba akong magpatuloy sa mga abentura ng buhay O bumitaw na lang sa mga pangarap na sa aki’y gabay? V Talas ng kanilang dila’y ikinintal sa aking isipan Mga panghahamak ay ibinato, ako’y lalong naguluhan Nabahag ang buntot, sa masikip na lungga’y nagkubl...