Diploma ng Tagumpay
I Plumang nasubok ng panahon, ngayo’y wala ng tinta Kwadernong noo’y sagana, naubusan na nang pahina Librong dati’y binubuklat, oras na para isara Ngunit huwag mangamba, may plano ang tadhana. II Apat na taon ang binuno maabot lamang ang pithaya Talukap ng mata’y mulat sa sinuong na abentura Araw-gabi, nagsunog ng kilay para sa isang sertipiko Dugo’t pawis ang ibinurda sa pangarap na dati’y retaso. III Bunga ng pag-aaral sa kasalukuya’y dama na nang palad Susi sa nakapinid na pintong may bagong karanasang ilalahad Sa bagong bagnos na tatahakin, payo ng guro’y babaunin Magsisilbing sandata sa pagbayo ng bagtas na lalandasin. IV Naubos man ang tinta, sa mga pahina’y wala man lang natira Hinding hindi manghihinayang sa bagong kanabatang nakatha Lisanin ko man ang mga sulok ng institusyong humubog sa akin Katuruan at karanasan ditto sa pamuh...