AMIGO

In my entire life, isang tulad mo ang aking hiling
Mga mata’y laging dilat to behold your coming
Laging nasa waiting shed at sa malayo’y nakatanaw
Makikita ka na ba sa horizon bago mag-SUNset ang araw?


An average dreamer, oo, also a typical creature
Dreaming na someday, ako at ikaw together
Kaso ako’y nababagot na, nasaang planeta ka na ba
Mag-smart alert ka kapag you’re on your way na, sunduin kita.


Waiting may be terror, still, ikaw ay worth waiting for
Lagi akong mag-o-online sa FB; tweeting ‘bout you on Twitter
Maki-laughlaugh-an man ako sa iba, you’re still on my mind
GM ko’y ikaw ang laman to show in my priorities you’re in lined.


I’ve lost many friends kaya heto ako’t nangungulila
Anino’y lagging kasama, panyo ang tagasalo ng luha
Sandalan ko’y unan ‘cause all of them grew tired of my dramas
Pangako’y nanatiling salita; OMG! Puso’y harassed na harassed na.


Promise nila’y walang iwanan, ito’y isa lamang palang bula
Na-traffic lang ako sa EDSA, paa nila’y kinati na
Naiwan akong nag-iisa, there at the monumento of  my kababata
Ating national hero’y ininterview ko na lang kung ano’y say niya. 


Naniwala akong walang magbabago ngunit ito’y napako
It’s Showtime na pala, time to show the true you
Hirit naman ng kabila ay isang Eat Bulaga
Shout out nina Wally and Jose unto me, “Hoy Nganga!”


Ramdam ang pag-iisa sa t’wing maaalalang wala ka  pa
Walang masumpungan kapag ang mata’y gayak ng pangamba
Walang nakababatid sa tunay na pagkatao sa likod ng pilit na ngiti
Hindi matagpuan ang happiness sa mga madlang magaling magkunwari.


Kaya dito muna ako sa rooftop, titingin sa alapaap
Sana’y iyong marinig himig ng pangungulila’t paghahanap
Handa na ang red carpet para sa welcome party, katoto
Uber for sure ang galak, pagdating mo’y trending worldwide, amigo.

<photo id="1" />

Comments

Popular posts from this blog

Dula sa Likod ng Lente ng Buhay

Sing The Tune Of PEACE, Feel The Power Of HARMONY

How to unlove. . .